"Ang Hiwaga ng Kalawakan ay kasing tulad ng hiwaga ng kaisipan, may kagandahang taglay tayo ang Umli ng ating daigdig." Narito ang pagkalikha ng mundo, ang mga kapuluan kagandahan maraming hiyas ang taglay. Makulay at mayaman. Ang mga pangunang kabanata ay pinapakilala ang mga pangunahing Umli o tagapaglikha na nangalaga sa mga kapuluang hiyas. Pinapakita rito ang yamang taglay ng mga iba't ibang pook ng mga tarabusaw at mga tirahan ng mga napiling lipi. Makikita rito ang makulay, mayaman at magandang pamayanan ng mga katutubo tulad ng mga Aeta, Agta, Tagbanwa, ng mga Katagalogan, T'boli at Ifugao. Ang mga pangunahing Umli 1.Apo Buni- Apo Buni (Ilokano) manlilikha ng daigdig ayon sa mitolohiya ng mga Ilokano , ang Umli ni Lam-ang, isang umalagad at bayani ng mga Ilokano. 2.Bathala (Tagalog) anito ng mga Katgalugan manlilikha ng daigdig dito na hango ang salita na bahala na 3.Bulon La Mogoaw (T'boli) Ang diyosa ng buwan at kataas-taasang diyosa, asawa ni Kadaw La Sambad. 4.Gugurang (Bicolano) ang kataas-taasang diyos; sanhi ng pagputok ng bulkang Mayon kung di siya nasisiyahan; hinati ang Mt. Malinao sa pamamgitan ng kidlat, diyos ng mabuti. 5.Kabunyan (Kaigorotan) Si Kabunyan ay ang tanyag na diyos ng mga Igorot. Alinsunod dito, si Kabunyan na ay bumaba mula sa langit at nagpakasal kay Bangan. Nagkaroon sila ng tatlong anak at ang isa sa kanila ay si Lumawig. 6.Kanlaon (Kabisayaan) Si Kan-Laon ay itinuring na Kataas-taasang diyos na nagsimula sa kadena ng mga kaganapan na nagsimula ang paggawa ng mundo ng mga Sinaunang Bisaya na nakatira sa pulo ng Negros. 7.Mangecha (Kapampangan) Si Mangechay o Mangacha - Ang dakilang matanda, ay sinasabing tagalikha ng Langit, sinasabing siya ang tagahabi ng kalangitan bilang kanyang pinagtagpi na tela at sa gabi ang mga bituin na kumikinang ay ang mga butas ng tela. 8.Namalyari (Aeta) Si Apo Namalyari ay ang diyos ng paglikha ng Aeta, ang kanilang katapat ng ating Diyos na lumalang sa mundo at lahat ng nandiyan kasama na ang tao mismo. .
Share this chapter to show support for it's creator!
Comments(4)
Publisher's other works
Series you might like